August 3, 2023 | EMERGENCY MEETING
Nagsagawa ng Emergency Meeting ang ating Alkalde John A. Sambo kasama ang Mun. Department Heads, Municipal Administrator Reynaldo C. Ingal, Municipal Treasurer Regina C. Carreon, Municipal Budget Officer Ferdinand L. Canlas, MSWDO Ofelia A. Cortez, Municipal Engineer Gilbert B. Cruz, Acting Municipal Accountant Mary Ann C. Sison, Sanguniang Bayan Secretary Cristina Y. Torres, LDRRMO Edwin N. Manalese, at LDRRMO IV Charlene G. Ocampo upang pag usapan ang kalagayan ng ating bayan at paghandaan ang mga susunod pang mga hakbang para sa pag bibigay ng tulong tulad ng relief goods at libreng sakay para sa mga naapektuhan ng kalamidad dito sa ating bayan.
Nais rin po naming ipabatid sa inyo na tuloy tuloy parin po ang ating mga empleyado ng munisipyo sa pag re-repack at pag iikot para makapag bigay ng mga relief goods.
Hinihiling po namin ang inyong pang unawa sa panahon ngayon ng kalamidad. Ginagawa po ng pamahalaang Bayan ng Sto.Tomas sa pangunguna ng ating Mayor John Sambo at Vice Mayor Matias “Bong” Pineda ang kanilang makakaya upang maiparating ang kanilang serbisyo at tulong para sa mga Thomasians na naapektuhan ng baha.
#Magkaisa