PAALALA SA MGA THOMASIANS!
Bilang pagsunod sa pangkalahatang direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na palakasin ang pagpapanatili ng kaayusan, disiplina, at kaligtasan sa mga komunidad, ang Sangguniang Bayan ng Sto. Tomas ay nagpasa ng mga Municipal Ordinance na inaprubahan ng Punong Bayan at kasalukuyang ipinatutupad sa buong bayan.
Mahigpit na ipinagbabawal ang mga sumusunod:
🚫 Inuman sa Kalsada (Municipal Ordinance No. 131)
🚫 Walang Pang-itaas na Damit (Topless in Public) (Municipal Ordinance No. 132)
🚫 Videoke at Malalakas na Sound System lampas 10:00 PM (Municipal Ordinance No. 133)
Hinihikayat ang lahat ng Thomasians na makiisa at sumunod sa mga umiiral na ordinansa upang mapanatili ang isang maayos, disiplinado, at mapayapang pamayanan.