Sa araw na ito, naganap ang paglipat ng Emigdio A. Bondoc Building sa NBI, na magiging District Office dito sa bayan ng Sto. Tomas. Matatagpuan ito sa Nogoy Dalaquitan, San Matias, Sto. Tomas, Pampanga. Ang naisagawang seremonyang “turn-over” ay pinangunahan ng ating alkalde na si Mayor John Sambo at ng bise-alkalde na si Vice Mayor Matias “Bong” Pineda. Kasama rin sa seremonya ang mga masisipag na namamahala sa ating bayan ng Sto. Tomas, kasama na riyan ang ating kinatawan sa Kongreso na si Congw. Dra. Anna York Bondoc-Sagum, at ang Regional Director ng NBI na si Atty. Eleanor Rachel Angeles.
Subaybayan natin ang malapit na pagbubukas ng nasabing opisina.
#GustoKoProgreso✌️
#ipagpatuloyangprogresibongstoTomas
For more photos: Click Here