JULY 9, 2026 | BAGONG DIKE AT PUMPING STATION, SISIMULAN SA BRGY. SAN MATIAS
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng flood mitigation program ng Pamahalaang Bayan ng Sto. Tomas, personal na nagsagawa ng inspeksyon si Mayor John Sambo sa San Matias Village, Brgy. San Matias, kasama si Municipal Administrator Engr. Ingal, kaugnay ng nalalapit na pagsisimula ng pagtatayo ng panibagong dike at pumping station sa lugar.
Ayon kay Mayor Sambo, ang itatayong dike ay magsisilbing karagdagang proteksyon laban sa pagbaha para sa mga residente ng San Matias Village at Sunrise Village. Kasabay nito, magtatayo rin ng panibagong pumping station na inaasahang magpapahusay sa mabilis na pag-agos ng tubig-ulan at makatutulong sa pagbawas ng pagbaha sa dalawang nasabing lugar.
Ang mga proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor John Sambo na palakasin ang mga imprastrakturang pangkontra sa baha at tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Thomasian, lalo na sa panahon ng tag-ulan.
Patuloy na iginiit ni Mayor John Sambo ang kanyang layunin na maisakatuparan ang mga proyektong may direktang pakinabang sa mamamayan, alinsunod sa kanyang adbokasiyang “Gusto Ko, Progreso.”
Source: Click Here